Bakit nga ba marami ang bitter sa mundo? Aaminin ko na naranasan ko na rin maging bitter noon, mga isang buwan din yun. Hinihiling nga ng mga kabarkada ko na sana eh tinagalan ko pa dahil malakas ako manlibre pag broken hearted ako (every week ba naman lumabas at mag-inuman eh). Ayaw ko na munang i-kuwento kung bakit ako naging bitter dahil hindi naman yun ang paksa ng sulating ito.
Simulan na natin ang tunay na paksa sa aking sulatin.
Maraming pinagmumulan ang pagiging bitter. Pero mas marami ay mula sa pag-ibig, Pag-ibig na bigo pag-ibig na minalas, pag-ibig na flop, pag-ibig na ikaw lang, pag-ibig sa mga di dapat iniibig. At marahil marami pang iba na hindi ko na alam ang tagalog kaya di ko na nilagay. Pero bakit nga ba nagiging bitter sa pag-ibig? Ano nga ba ang mapapala dito? Bakit may ibang nawiwili sa pagiging bitter? Kailan ba ito dapat matapos? Mga tanong na maari ko sigurong masagot pero hindi ko alam kung tama nga ba.
Bakit nga ba nagiging bitter sa pag-ibig?
Ito ay mula sa isang masamang karanasan mula sa isang iniibig o mangingibig.
May mga tao kasi na walang ginawa sa buhay kundi manira ng buhay ng iba. Dahil hindi sila masaya sa buhay nila ginagamit nila ang ibang tao upang makakita ng kakatuwaan nila at masayahan sila, hanggang magsawa sila at itapon ka na lang nila.
Meron din naman mga taong hindi makaintindi ng maayos o siguro naman nagpapaka-bobo lamang sila. Pinapahirapan lang nila ang sarili nila. Masyado kasing dakila at maliwanag ang pag-ibig na alam nila, sa sobrang liwanag maari na itong makabulag.
Ewan ko ba sa inyo basta ako masaya na ako sa buhay ko
Ano nga ba ang napapala sa pagiging bitter?
Marahil para sa iba isa lamang itong simpleng paraan na mapansin sila (misery loves company). Cheka. Ewan ko ba.
Ang ibang dahilan ay di ko na alam ngunit nagamit ko rin ang pagiging bitter ko noon upang maging lakas ko sa aking mga trabaho na maganda naman ang kinalabasa
Pero isa lang ang masasabi ko walang mapapala sa pagiging bitter: Paraan lamang ito para di ka makahanap ng iba dahil masyado mong dinadamdam ang mga taong di ka naman inaalala. Kaya wala kang napapala.
Bakit may ibang nawiwili sa pagiging bitter?
Bakit nga ba? Ewan ko ba sa kanila hindi naman enjoy ang pagiging bitter eh
Kailan ba ito dapat matapos?
Kailan? Simple lang ngayon sinisira mo lamang ang buhay mo sa pagiging baliw. Mahalin muna ang sarili bago mahalin ang iba. Hindi naman sa nagiging makasarili ka pero kailangan naman talaga ito. Paano mo pagpapahalagahan ang iba kung di mo naman pinaghahalagahan sarili mo.
Marami pang iba dyan hindi lang isa bakit mo naman uubusin ang lahat ng tubig mo sa katawan para lang umiyak. Mababalik mo ba sya pag-umiyak ka? Mapapasayo ba sya pag pinunas mo lahat ng uhog mo sa iyong unan? HINDI. Kaya ano ang rason para iyakan ang isang tao na walang pakialam sayo Pelikula lang at patay ang iniiyakan.
Ito na lang masasabi ko sa lahat ng bitter "LOOK AT ME I AM OLD BUT I'M HAPPY".
About the Author![]() | Marlon J. Locsin |
| Blog |


No comments:
Post a Comment