Kapag Dumating at Hindi Sa Iyo Papunta





Lahat sila'y naghahanap
ng kwentong makulay at mapangahas.

Halimabawa:
"Sa pagbalot ng lamig ng sinehan sa aming mga katawan
humanap kami ng init sa palad ng isa't-isa."

Ang nangyari:
Tahimik lang kaming nanood
at hinayaang manuot ang lamig
sa kani-kaniya naming mga buto

Halimbawa:
"Tinahi namin ng milyon-milyong malalambing na salita
ang gula-gulanit naming mga kaluluwa."

Ang katunayan:
Hinihintay lamang naming matapos
ang bawat isa sa pagsasalita
Wala naman talagang nakikinig

Halimbawa:
"Sa gitna ng pagsasalba namin sa katinuan
ng bawat isa
natutunan niya akong mahalin."

Ang totoo:
Hindi.



About the Author

Keavy
Keavy

I hate small talk.
TwitterTumblr

No comments:

Post a Comment