Posible ang Slow Motion




Posible ang slow motion.
Kapag kasama ka sa isang grupo ng mga taong nagsasaya.
Biglang may hahatak sayo sabay yayakapin ka. Sabay ngiti.
Posible ang slow motion.
Kapag ang ingay ng paligid pero nagkakaintindihan kayo ng kausap mo.
Parang lahat naka-mute. At wala kayong pakielam sa ingay sa paligid.

Posible ang slow motion.
Kapag hinayaan mo ang sarili mo alalahanin ang mga bagay na pilit mong iniwasan.
Adrenaline rush sa sakit,
Adrenaline rush sa saya.
Adrenaline rush sa sarap.

Posible ang slow motion.
Lalo na kung hindi mo naman talaga alam ang patutunguhan ng pag-uusap niyo.
Bakit pa nga ba kayo nag-uusap?

Posible ang slow motion
Kasi kahit ganun, nailabas mo lahat ng gusto mo sabihin.
Ng walang ibang iniisip kung dapat pa bang sabihin.

Posible ang slow motion
kapag dahan dahan mo naiintindihan ang sinasabi ng kausap mo.
Unti unti mong naiintindihan ang mga bagay na naiintidihan mo na naman noon pa.
Iniiwasan mo lang intindihan kasi pakiramdam mo talo ka, pag inintindi mo.

Posible ang slow motion
Pag naramdaman mo dahan dahang gumagaan ang pakiramdam mo…
kahit papano.

Posible ang slow motion
Kasi sa konting oras na meron kayo sa isang araw.
Napag-usapan niyo ang mga dapat mapagusapan.
Natanong ang dapat itanong.
Nasagot ang dapat isagot.

Posible ang slow-motion
Kapag pagkatapos niyo mag-usap, magugulat ka nalang na wala nang tao.
Magugulat ka nalang inumaga na kayo.

Posible ang slow motion.
Kasi kahit anu pa man ang naging pag-uusap niyo.
Ang mga mata niyo’y hindi na mag-iiwasan.
Walang takot na silang magsasaluhan ng tingin
At magkakaintindihan

Posible ang slow motion.


About the Author

MJL
Zuela

Weird obsession for balloons and with life being in slow motion
Twitter

No comments:

Post a Comment