an ode to death





I pick up a shovel and dig earth after earth. I'm digging your grave now, and i hope and pray that i can bury every inch of you. Bury every inch of us.

This will be the pit where i will throw all the laughter and all of the tears that i shed and shared with you. This dirt will eat all the fun times I spent with you. All those Monday afternoons you irritatingly arrived late to pick me up at the Legarda station. Those Wednesday nights we'd talk about the latest scoop till the wee hours in the morning. And those Friday afternoons that we’d had lunch, all in the same place: Chowking. Those Saturdays where we'll spend the whole day walking and wishing we were rich enough to have coffee at Starbucks. The hell, let Starbucks be in this grave too.

Let Toitoi and Poipoi be in this grave with the millions of pictures we took. Sadly, but yes, even the picture we took with Mr. Vulcaseal mascot. I'll tear those pictures to tiny pieces, tear it exactly the way you tore my heart. This grave will have all those photos. This grave will have the memories of your face.

I'm digging this earth to bury San Miguel Babad's summer concert. I'll be digging big to fit all the mosh pit posers you protected me from. The slamming, the jumping, the kissing and hugging we made, I'll make sure it all goes down there.

I'll let the LRT and MRT come down this grave. Megamall, Gateway, Galleria, the movie houses we went to, let them all be six feet under the ground, these places will just remind me of you. Let Sun Cellular go too, it has always been the crap it was. You were the only reason I stayed in that lousy network anyway.

I'll cover this grave with your flesh. Sprinkle this earth with your blood. I'll throw you flowers, don't worry. And this post will serve as your eulogy. I'll let the whole world know, that even though you were fucking useless and up to no good fat-plus-pride, i enjoyed all the times we had.

But this grave will not have all the lessons you taught me. From how to stand with one foot forward in an LRT or MRT, to standing in my own two feet and be independent. From trying to be strong to punch you hard on the arms, to be strong enough to pick up a shovel and bury our memories.

This grave will have you in it. This grave will have all the memories of us. This grave will have the dates November 25 and December 7 on it. This grave will have all our phone calls, our text messages, our corny jokes, the silly dances we made on public places, the polluted jeepneyrides, the 711 tambay moments, let this grave have everything that has to do with you,

so let this grave take my heart too.


Kai

Mga Tanawin sa Ilalim




Sa kinahihigaan: nakikita ang kisameng puti, o puting nangingitim, alinman. Saan nga ba nahulog at dito bumagsak? Para bang naitulak at wala man lang nakapitan. O kumapit.

Sa malayo: may naririnig na nagtatawanan, o nag-iiyakan, alinman. Sino nga ba ang hinahabol at dito naiwan? Para bang naligaw at wala man lang ilaw. O nag-ilaw.

Sa mga mata: may dumadaloy na luha, o dugo, alinman. Anong sugat ba ang kinalikot at parang nabubulok nang hindi man lang nahugasan. Para bang pagkatapos ng dura ay hinamon pa ng tadyak. O dasal.

Sa gilid: ang aparador. Sa kabila naman ay ang bintana. Sa kaliwa o kanan, alinman. Umiikot ang mga gilid kaya't hindi mawari kung saan ang labasan. Kung mayroon man.

Sa tuwa, napaso. Sa takot, nanghihinabang. Bumaluktot na't umunat, hindi parin makahinga. O malunod, alinman.

Sabihin mo sa akin kung ano ang gagawin at agad akong gagapang. Basta't kailangan mong sabihin.

Anonymous

Para sa Manyak

Paghihiwalay



Nasan ang mga bisig kong dati ay hapos mo?
Saan napadpad ang mga binti kong dati lang
Ay walang sawang humahabol sayo?
Wala sa dating kinaroroonan ang mga daliri ko,
Paano ko isusulat ang mga tulang para sayo?

Mapalad ba ang matatawag sa aking walang palad?
Maswerte ba akong maituturing
Kung walang luha sa akin ay mapipiga?

Saan nagmumula ang tinig na ito?
Kung hindi ko mahanap ang ulo ko
Kelan mabubuo ang dating ako?
Ang akong nilisan mo.



About the Author

Arrigaga
Arriane

Bringing you the latest in third world transportation.
Twitter | Tumblr


Sa Mga Letrang Bumubuo ng Pag-ibig



Gusto kong magsulat ng mga katagang naglalaman ng pag- ibig,

Yung tipong kikiligin ka habang nakikinig.

Sa bawat letra, sa bawat bigkas,

Gusto ko matikman mo ang tamis ng pag ibig na wagas.



Kung makakasulat lang ako ng mga katagang ganoon ang nilalaman,

Alam ko mamahalin mo ako ng walang hanggan.

Jay

Dugo sa Labi


handa na muli ang puso

sa pinakamasarap na bisyo

kung lalagapak muli ang pagkatao

wala na itong kaso

basta pag nakaramdam

pakisagad na po

masarap magpahinga ng biak ang mga buto

iba ngumiti ang isang baldado.



About the Author

MJL
Zuela

Weird obsession for balloons and with life being in slow motion
Twitter

Kailangan Mong Malaman



Ibibigay ko naman talaga lahat ng gusto mo.

Hindi kita huhubaran ng kalayaan na makasalamuha ang mundo,

Hindi kita pipiliting gumawa ng mga bagay na labag sa kagustuhan mo.

Ibibigay ko naman talaga lahat ng gusto mo,

kahit hindi pa iyon ang gusto ko.



Pero aasa ako...

Na iisipin mo ang mararamdaman ko.

Na paulit-ulit mong iisipin na hawak mo ang kabuuan ko.

Na may bigat din sayo ang pagkapunit ng pusong ito.




About the Author

Keavy
Keavy

I hate small talk.
TwitterTumblr


Tuwing nalalaman kong hindi kita makikita sa dulo ng isang mahabang araw:



Parang naglalaho ang gana.


Parang walang magandang makita.


Parang pinisil-pisil ang puso, hinila palabas at saka inapak-apakan.


Parang sinuntok ng malakas sa may bandang sikmura.


Parang napipilitan nalang huminga.





About the Author

Keavy
Keavy

I hate small talk.
TwitterTumblr


Familiar



and i do
i remember you
an emblem of the past
hammering my chest
with your smile of disgust
and features of rejection


don't get me wrong
i remember you
the leech of the present
sucking me dry


yes.
it was you
don't make me hurt you
i can and i will
because i remember you
the one that scratches deep
the reason behind my scars


and i do 
as much as i hate you
will always remember you
as a flicker of inspiration
  

i do
will always be touched by you
because i remember you



About the Author

MJL
Zuela

Weird obsession for balloons and with life being in slow motion
Twitter

Wag Mo Nalang Intindihin



Wag mo sanang isiping
Ayaw kong ipa-alam
Gusto lang siguruhing
Maganda at madamdam

Oo, sadyang maarte
Nais kong ipahayag
Ang tulang importante
Luma, baduy, patawa

Ang mga linya kong suma-sablay
Nagmukhang lasing o simpleng tambay

Ginulo mo ang buhay ko ngunit
Inayos ang nasira kong damdamin
Nadadagdagan ako ng pasakit
Tuwing wala sa paningin

Inilalapit mo ako sa kapahamakan
Ngunit ako’y sinamahan sa paglalakbay
Dinurog mo, iba kong pinaniniwalaan
Ibinuo ang kamalayan ng aking buhay

Hindi mo siguro malalaman ang mga sinabi ko
Ini-ibig kita yun lang ang totoo.

Naniintindihan mo ba kung hindi wag mo na lang intindihin.




About the Author

MJL

Marlon J. Locsin
Blog

CR Lang Ako


Justifying My Lack of Sleep



Order and Chaos, two opposing forces that governs this world...
Scientifically these two created the universe, from a swriling mass of chaos; particles of atoms fused together and created order, pattern and symmetry.

The Sun is order in the old times where poeple roam free without fear. While the Moon is Chaos where people imagined vampires, werewolves and monsters.

Being awake is Order because you can think, you can reason and you are in control.

Being asleep si Chaos where your mind is free without any bounds without logic, without control.

This can be proven by a simple daily event...

Before you sleep your bed is in order and when your wake-up, it is in chaos and you fix it again to create order...

It's life's cycle...

when there is order there would be chaos and from the its ruins order would be created...

again and again...

I miss my bed...



About the Author

MJL

Marlon J. Locsin
Blog

Wala nang Dahilan



Maraming taon na sa atin ay lumipas

Lungkot, galit, saya ang ating mga dinanas

Habang tumatagal ako’y naguguluhan

Meron pa rin nga ba akong dahilan?



Nung umpisa marahil ay sa iyong mga ngiti

Nagbibigay ng saya na walang kapalit na hinihingi

Pero ngayon alam kong hindi sa mga ngiti mo

Marahil sa mga mata mo nabighani ang puso ko



Mga matang lumiliit tuwing nagtatawanan

Noon ay madalas ko itong pagmasdan

Ngayon, alam ko na hindi na ang iyong mga mata

Wala nang dahilan o kabaliwan lang ata



Wala nang pintig ng damdamin na sinasabi ng ilan

O sparks at fireworks na madalas pagusapan

Wala ng kwenta ang tadhana

Pati “kilig to the bones” laos na



Ganito lang siguro ang tunay na pagmamahal

Nawalalan ng dahilan habang tumatagal

Nagiging mababaw ang lahat ng kalaliman

Kahit ang “Mahal kita” wala na atang dahilan



Hindi na kaya ipaliwanag ng “mahal kita”

Ang tunay kong nadarama

Marahil ay wala pang salitang naiimbento

Para sabihin ang gusto ko



Pero hindi naman mahalaga ang salitang gagamitin ko

Ang importante ay ikaw, ako at tayo

At kahit para sa akin ay wala ng dahilan at kababawan lang

Ito lang ang alam kong salita



Sana ay kiligin “to the bones “ ka with matching sparks and fireworks

Mahal kita.



About the Author

MJL

Marlon J. Locsin
Blog

Sumandali




Tatlong segundo
ng sulyap

Panandaliang pagdikit

ng

brasomosabrasoko

Pag-alala sa mga dating naganap

sa kung nasaan tayo ngayon



Malinaw na ang inakala noong malabo

Malinaw na walang pupuntahan



Kumurap

Kumawala

Kuryentehin ang sarili

hanggang maintindihang hindi na pwede




About the Author

Keavy
Keavy

I hate small talk.
TwitterTumblr


Kung paano manabik para sa isang taong hindi mo naman nakilala.




Napapadalas na ang pag-alala ko sayo.

Matagal-tagal ko ding iniwasan ito.

Pero medyo agresibo ka nitong mga nakaraang araw.

Binibisita mo ko sa pamamagitan ng mga kanta (When I Look to the Sky ng Train), lagi akong napapatingin sa lumang kamera na naiwan mo, at alam mo, napapadalas ang biglang pag-ulan sa gitna ng kataasan ng araw. Kaya napapadalas din ang mga biglang pagbagsak ng puso ko mula sa sobrang kaligayahan papuntang sobrang pagkalugmok.

Litong-lito na naman ako ngayon. Para na naman akong walang direksyon. Hindi ko alam kung masaya pa ba ako sa trabaho ko. Aalis pa ba ako sa bansa o hindi. Gagawin ko na ba yung mga bagay na gusto ko o dito nalang muna ako sa komportable? Palagi kong iniisip kung ikaw, ano kayang sasabihin mo sakin? Maraming nagsasabing parehong-pareho tayo eh. Kung meron daw hinahangaan sayo ang mga tao, yun ay iyong pagsunod mo sa puso mo sa lahat ng bagay. At sinasabi nila na ang ganda ganda daw ng puso mo. Sayang, hindi ko manlang nasilayan kahit papaano.

Takot akong naaalala ka kasi walang kasiguraduhan palagi sa emosyon na dala ng pag-alala ko sayo. Katulad ngayon, lungkot siguro ‘to. Lungkot na hindi masyadong pamilyar. Sa totoo lang, wala naman akong baon na alaala. Kapag naiisip kita, mga posibilidad at sana lang naman ang naiisip ko. At ang itsura mo sa 2x2 ID picture na nanakaw kasama ng pitaka ko.

Totoo kaya na kapag ang tao umakyat na sa langit, nakakalimutan na niya lahat ng ginawa niya dito sa mundo? Kasi nga daw paraiso na doon. Wala nang sakit at hirap.

Pero paano yung magaganda ay masasayang alalaa? Nakakalimutan din ba? Kasama ba kami sa mga nakalimutan mo?

Kapag nagkasalubong tayo sa kung saan man, maaalala mo pa ba ako?

Hindi ko kayang isipin na hindi. Kasi ikaw, habang buhay kong ipapanalangin na hindi ko makalimutan.




About the Author

Keavy
Keavy

I hate small talk.
TwitterTumblr

Totoo ang sabi ng tattoo ko



Hindi ko sasabihing hindi ako natatakot.

Marami akong bagay na kinatatakutan. Pero ang pagpili ko sa kung nasaan tayo ngayon ang paraan ko para iparating sayo na hinding-hindi ko hahayaang manaig ang mga takot na ito. Hindi ako kayang ilayo ng mga takot ko sayo. Hindi na ulit.

Hindi ko sasabihing magiging masaya tayo palagi.

Pareho nating alam na may mga matang nakabantay. Marami tayong nasagasaan at nasaktan, panigurado pinanonood parin nila tayo. Pero palagi kong pagsisikapan na tapusin ang bawat araw nang may ngiti tayo sa ating mga labi at saya sa ating mga puso. Palagi kong ipapaalala sayo na kapag mahirap lahat, kailangan lang natin kumapit sa lakas ng isa't-isa. Wala tayong hindi kakayanin.

Hindi ko sasabihing hindi kita sasaktan.

Simula palang naman, alam mo ang mga kahinaan ko. Maikli ang atensyon ko, magulo ang isip ko, at kapag nalilito ako, madalas mas pinipili kong tumakbo. Masasaktan at masasaktan kita dahil sa mga kakulangang ito na niyakap mo noong tinanggap mo ako. Pero palagi kong pipilitin na pagbutihin ang sarili ko para sayo. Palagi.




About the Author

Keavy
Keavy

I hate small talk.
TwitterTumblr


Metro Gwapo




“Alas onse y medya na” ang sabi ni Marlon sa kanyang sarili. Pinunas nya ang hawak na kumot sa kanyang matang puno ng buhangin ng pagkadilat. “Bakit ang asim ng amoy” ang tanong sa sarili, namuo na parang Pilipinas ang chichirya at maliliit na laman ng baboy, sa kumot niyang masangsang. Umupo sa kama at pinulot and bote na kagabi ay karamay sa problema, ngunit sakit sa ulo kina-umaga. “Light” ang kanyang bulong habang pinagmamasdan ang bote “sana nga matagpuan ko na ang liwanag”. Tumayo, pumasok sa banyo at naligo. Alin ba ang dapat unahin shampoo or conditioner? Kinuha ang conditioner “use after your favorite shampoo”. Nahuhuli kaya ang epekto ng conditioner sa 2 in one na shampoo & conditioner?

Kinanaw ni Marlon ang itim na kape habang tinitignan ang kanyang malabong imahe sa ibabaw nito. “Ding dong ding dong” tumunog ang door bell, lumabas si Marlon at binuksan ang gate “Bakit?” ang tanong nito, kaibigan ang nasa may gate. “Masama ba dumalaw?” ang sagot nito sabay pasok ng kaibigan, upo sa sala at inom ng kape; na kanina ay tinitimpla ni Marlon. Umupo na rin si Marlon sa sala at binuksan ang tv. “Gusto mo ng kape?” ang alok ni Jerson kay Marlon. “Hindi” ang sagot ni Marlon habang naglilipat ng palabas. “Anong problema?” ang tanong ni Jerson. “Wala alam mo na yun impossible talaga” ang sagot ni Marlon “Siya na naman? Tagal na nyan ha?” ang pagtataka ni Jerson. “LAHAT iniiwan AKO!!! wala na talagang magmamahal sa akin, kasi pangit ako.” “MERON AKO!!!” ang pagalit na sagot ni Jerson. Tinignan sya ni Marlon at nagulat. “Ahh… Ako KARAMAY mo ako kahit anong mangyari pare” ang biglang hirit ni Jerson. “Ahhh… okay salamat pare kaibigan talaga kita” ang sagot ni Marlon at si Jerson naman ay pinaghiwalay ang mga braso at aktong yayakapin si Marlon “Pare apir!” and sabi ni Marlon at tinapik ang dalawang palad ni Jerson. Napangiti na lamang si Jerson at sinabing “Kasi maghanap ka na ng iba, marami pa naman diyan eh sa paligid mo” with matching beautiful eyes. “Napuwing ka noh” at nabaling ang attensyon sa TV ng ilang segundo “sana kasing dali lang ng pagtoothbrush ng Close-up ang paghahanap ng true love” ang sabi Marlon sabay tayo, at labas ng bahay.

“Oh san ka pupunta?” ang sabi ni Jerson at sinundan si Marlon. “Ano ba talaga problema mo pare?” ang tanong ni Jerson. “Bakit nga ba ang lupit ng buhay noh… at ginawa akong ganito…?” ang sabi no Marlon “Anong ganito?” ang sagot ni Jerson. “Pangit nga! Napakalayo ko sa mga tinutukoy ng ating mundo na gwapo, mukha na raw akong tatay eh.” Patuloy si marlon na naglalakad at napahinto sa billboard ng lalaking nakahubo at may hawak na kape “Tignan mo pare yan ang gwapo sa tingin ng karamihan ng babae ngayon, yung mga sobrang linis at vain parang 10 tayms a day maligo, minsan naka-palong ng manok ang buhok, laging naka-pink at fitting lahat ng damit. at nag-aral pa ata sa parisng Fashion 101 dahil alam nila ang tamang porma kuno. Parang ikaw, kaya ang daming nababaliw sayo, lima na ex mo di ba? Sorry naman pare, tinuruan kasi ako ng nanay ko na magconserve ng tubig kaya once a day lang ako maligo at color blind ako ano bang paki ko sa pink di ba” ang paliwanag ni Marlon. “Lima na nga ex ko pero hindi ko sila mahal, ikaw ang mahal ko…” ang pabulong na sinabi ni Jerson. “Ha ano may sinasabi ka?” ang tanong ni Marlon at umiling lamang si Jerson. “Look at them pare” habang nakakita ng isang lalake na nakapink at naka taas ang buhok. “its like they are almost gay but never quite gay yet, no offense pare, pero puta nakakainis ano bang gwapo sa mga itsurang ganyan?” at patuloy silang naglakad.

“Nakita mo na ni isang trait na meron ako ay hindi na kinikilalang gwapo ngayon I think I live in the wrong planet. And what is it with basketball players tumangkad ka lang at humawak ng bola kahit mukha kang pang-halloween ay pagkakagulohan ka… bakit hindi nakakagwapo ang paglaro sepak takraw eh national sport natin yun.”. Hihinto at magbubuntong hiniga “Ang lalong nakakainis ay ang pagyayabang ng mga lintik na alphamale na mga yan, yung utak naman nila parang sinabawan without the gulay at susukatin nila ang pagkatao mo sa katangkaran at kagwapuhan. Well, kung ganon lang ang basehan nang pagiging tao eh yung national hero pala natin hindi pa qualified maging tao! Mag-isip nga sila, ay hindi pala nila kayang gawin yun! Magtiki-tiki muna sila para kahit konti ay tumalino”.

Biglang napalingon si Marlon sa mga grupo ng teenagers naglalaro ng skateboard. “At isa pa iyan sa mundane sa mga tingin ng society ngayon. Gwapo ka pag meron kang banda or pagmarunong kang magitara or drums at yung iba, pati gitara nila ginagawang bling bling aba kasili pa sa daily apparel. Isa din ang pagsusuot ng mga maduduming damit na parang tatlong araw ka na walang ligo, kadiri talaga parang gusto ko silang lahat bigyan ng shampoo at sabihing wag kang magcoat asa pilipinas tayo ungas! Sabi kasi ng nanay ko cleanliness is next to Godliness at hindi perfume ang Jabar. AT PLEASE naman EMO ka na! Tama na isang beses mo lang ayusin yung buhok mo kahit saan makatingin na may reflection ay mananalamin para ayusin ang buhok ni pisong makintab di pinapatawad. Anak ng jueteng gwapo ba ang hitsurang ganun?”

Umabot na silang dalawa sa isang stop light. “Tapos maraming babae and nagrereklamo na iniiwanan, niloloko, ginagago, pinapa-asa eh SILA NAMAN KASI ANG SIRA bakit kasi nila nagugustohan ang mga lalaking walang ginawa sa buhay kung hindi pormahan ang lahat, kahit poste na napaldahan mo eh papapansinin nyan at mas gusto nila na maglaro ng basketball or DOTA kaysa kasama ang ka, lalo na yung mga feeling nila sobrang gwapo nila at papaibigin ang lahat. At mas gusto ng babae ang lalakeng bobo kaysa matalino ewan ko ba kung bakit. Turn-on ba ang kabobohan? anak ng… talaga…!!!”

Sabay tawid ni Marlon sa kabila kahit di pa red light. “Wait pare” ang sabi ni Jerson “O bakit di ka tumawid? Ha! Pinapatunayan mo lang na gwapo ka kasi sabi ni Bayani Fernando kung sumusunod ka sa batas trapiko Metro Gwapo ka. Oo na hindi na ako gwapo, okay! mamatay na lahat ng gwapo!!!” Ang sabi ni Marlon “Hindi naman talaga ako gwapo eh tignan mo tatawid ako!” ang sabi ni Jerson “BOOOM!!!” tinamaan si Jerson ng SUV at lumipad 3 meters away naging kulay pula ang damit niyang kulay rosas at nabasag ang kanyang salaming walang grado. Nilapitan sya ni Marlon. “Pare okay ka lang?” ang tanong ni Marlon “Sira!!! mukha ba akong OK!!! Aray ang buto ko Pare bago ako mamatay gusto ko malaman mo na… mahaaa...” sabay hinimatay si Jerson. “Pare akin na lang auto mo pag namatay ka ha…”






About the Author

MJL

Marlon J. Locsin
Blog

Premise




Sabihin mo sa akin kung ilang beses ako maaaring magkamali.
Sabihin mo sa akin kung ilang beses ako maaaring magkamali na kakaynin mo paring hawakan ang kamay ko na parang walang nangyari.

Sabihin mo sa akin kung ilang beses ako maaaring magkamali na kakaynin mo paring hawakan ang kamay ko na parang walang nangyari at tignan ang mga mata ko ng may pagmamahal.

Sabihin mo sa akin kung ilang beses ako maaaring magkamali na kakaynin mo paring hawakan ang kamay ko na parang walang nangyari at tignan ang mga mata ko ng may pagmamahal at bukal sa loob na pagpapatawad.




About the Author

Keavy
Keavy

I hate small talk.
TwitterTumblr

Bago Umalis





Baunin mo ang huling sulyap
Na ilalaan sa ikatatapos
Nang ating yugto.

Kung kaya mong ipinta
Iguhit
O kunan ng litrato
Gawin mo.
Dahil kakailanganin mo.
Alam kong kakailanganin mo.

Titigan mo nang mabuti ang pagtingin
Na kaya kang ilibing.
Bago umalis
Patungo sa lugar
Na kailanmang hindi maisusulat
Na kailanman,
Hindi mo malalakaran,
Mahahanap.

Itago mo ang nilaan kong huling sulyap
Para sa ikababagabag
Nang puso mong duwag.





About the Author

Arrigaga
Arriane

Bringing you the latest in third world transportation.
Twitter | Tumblr


Enough is an Understatement



I’ve heard enough
I say
But it never will be
Because deep inside
My bones call for your breath
My blood screams your name
My sorrow lingers for you
And all I want you to say is
You’ve had enough
And with that
My bones will no longer call for your breath
My blood will fall silent every time your name is spoken
But my sorrow will creep
Until I say
I’ve had enough




About the Author

Keavy
Keavy

I hate small talk.
TwitterTumblr


Mad Mad World






One day

All there will be are patterns

Repeating

Every inch, every word

All there is

Even echoes

Even dreams

Even thoughts

All coming back

Disguised as new

But we all know

They’re after you



About the Author

Arrigaga
Arriane

Bringing you the latest in third world transportation.
Twitter | Tumblr


I, II, III, Endnote





I.

Hindi ko gustong sapilitan mong buksan ang mga pinto ng puso mo sa mga bagay na mas pipiliin mo nalang itago, o ibaon, o kalimutan..
Hindi ko gustong hawakan mo ang kamay ko at nanghihinang ilakad ako sa bawat sulok ng isipan mo.
Hindi ko gustong hayaan kang nagmamadaling lumundag sa hagdan na may nilalampasan namang mga baitang.
Ang gusto ko lang ay panoorin ka.
Pagmasdan kang damhin ang sakit.
Hayaan kang sumubok ng paulit-ulit.
Kabisaduhin ang hugis at posisyon ng bawat parte mo habang ika'y naghihilom.
Pakinggan ang paglundag ng puso mo sa panahon (kung darating man ito) na ika'y malaya na.

II.
Hindi ako mangmang.
Alam kong pinapakinabangan mo lang ang pagkahumaling ko sa iyo.
Pero mayroon akong sasabihing sikreto...
Pareho lang tayong nakikinabang sa relasyong ito.
Ikaw--sa paggamit sa mga bagay na ibinibigay ko.
Ako--sa atensyong nakukuha ko mula sa iyo.

Kung magkakaroon tayo ng pelikula, tatawagin itong GAMITAN.

III.
Hindi na ko ulit magtatangkang magbasa ng mga sinulat mo, o manood ng pelikula/dokumentaryong gawa mo, o mga larawang kinunan mo.
Hindi ko pwedeng makilala ka sa likod ng pinapakita mo.
Paano kung maintindihan kita?
Paano kung ipagtanggol kita sa sarili kong paghuhusga?
Pareho tayong malilintikan.

End Note
Lahat ng bagay may quota.
Tama na ang tatlong taon.
Okay na ko. Sigurado na.




About the Author

Keavy
Keavy

I hate small talk.
TwitterTumblr


Paano Tunay na Masaktan

Planet Made for Tears


Kapag Dumating at Hindi Sa Iyo Papunta



CR Muna Ako