Sa Ibang Mundo


Sisimulan ko ang liham na ‘to sa pagsasabi sayo na kung nasa ibang mundo tayo, ibang sitwasyon, ibang panahon o pagkakataon—kayang kaya kitang mahalin. Kaya kong ibigay sa’yo ang buong puso ko.

Kaya kong ialay sa’yo ang isang pag-ibig na naghihilom ng malalalim na sugat, nagbubura ng masasamang alaala, nagreregalo ng bagong simula.

Kaya kong kabisaduhin ang bawat sulok ng iyong kalungkutan at halikan ang mga ito hanggang dahan dahan silang maglaho.

Kaya kitang turuan na makita ang sarili mo sa mga mata ko—maganda, may mabuting puso, matalino, perpekto.

Kaya kong patunayan sa’yo na mayroong taong handang hawakan ang kamay mo habambuhay. Hindi ka niya bibitawan kahit pa may takot, o hirap, o mas malalambot na kamay na pwede niyang hawakan.
Kamay mo lang ang nanaisin niyang hawakan.
Kamay mo lang ang nanaisin kong hawakan.

Pero masyadong maliit ang mundong ito para sa pag-ibig ko para sa’yo. Hindi ko kayang itupi ang puso ko sa hugis at sukat na kayang tignan ng mga tao. Kaya't ngayon, lalakasan ang loob, titibayan ang dibdib na nangangatog. Iiwan sa iyo ang isang tanong:
Sa iyong tingin, kaya mo kayang sumama sa akin
Sa isang mundong bubuuin ko para lamang sa akin at sayo?










About the Author

Keavy
Keavy

I hate small talk.
TwitterTumblr


(Hindi kita) Kailangan


Hindi naman kailangan
pero gusto ko
marinig ang lahat ng iyong mga kuwento
Kamusta ang araw mo
Mga opinyon mo sa mundo
Mga salitang nanatili sayo mula sa ibang tao
Gusto kong isiping mga maliliit silang parte mo
na maaari kong baunin, sariwain
hanggang sa susunod nating pagtatagpo

Hindi naman kailangan
pero gusto ko
na inaalalayan, inaalagaan ka sa araw-araw mong buhay
Batiin ka sa umaga, paghandaan
Tabihan ka tuwing kailangan
Wala sa akin ang pag-alay ng oras
Wala sa akin ang pag-alay ng pagod
kung ikaw lang rin ang aking pagbabahagian

Hindi naman kailangan
pero gusto ko
na samahan ka tuwing ika'y nabibigatan
Hayaan mong makinig ako sa iyong mga problema
Hahayaan kong sumandal ka kapag nangingilid na ang luha
Hayaan mong yakapin kita
Di man ako ang nais mong hagkan,
baka sakaling sumapat muna ito
para maibsan ang iyong nararamdaman

Hindi naman kailangan
pero gusto ko
na makita kang masaya
Kung kailangan man kitang
awitan
sayawan
kuwentuhan
Gagawin ko
Mahalaga sa akin ang kaligayahan mo

Hindi yata tama
pero minsan naiisip ko
Sana balang-araw mapagtanto mo
na gusto mo ring magbaon ng aking mga kwento
alalayan ako pag kinakailangan
tulungan pag nabibigatan
pag naliligaw, pagsabihan

Hindi naman kailangan
na ikaw ay tumugon
Pero kung pagbibigyan
gusto ko sanang marinig ang sagot mo










About the Author

Jihad
Jihad

Hello po, Jihad po.
Twitter






Talunan




Hindi naman ako nananabik sa’yo.
Pero minsan, kapag binabalot ng lamig ng sinehan ang aking katawan,
Nararamdaman ang puwang sa naninigas kong mga kamay na sana’y hawak mo
nalang.

Hindi ko pinagsisisihan na ika’y tinanggihan nang ninais mo akong balikan.
Pero minsan, nasisilayan ko ang inyong mga larawan.
May kaunting impit na nararamdaman. May hirap sa paglunok ang lalamunan.

Hindi na kita nakikita sa aking kinabukasan.
Pero minsan, naaalala rin ang pakiramdam noong mayroon pang permanenteng
kakwentuhan.
Marami-rami na ring mga bagay na naglalaho nalang sa hangin dahil wala nang
mapagsabihan.

Hindi na ako nasasaktan kapag sumasagi ka sa ‘king isipan.
Pero minsan, may kaunti ring panghihinayang.
Mga tanong na di na siguro makukuha ang kasagutan.
Bakit hindi mo nalang ako hinayaan?
Kung hindi mo naman sinubukan, paano mo nalamang hanggang diyan ka nalang?

Hindi na kita mahal, sigurado naman ako riyan.
Pero minsan, hindi pa rin mapigilan.
Ibinabalasa ng malikot na isipan ang mga posibilidad,
isa isang binabalikan ang mga nagdaan—
Lahat ng kaligayahan, kalungkutan, kabaliwan na sa ating dalawa lamang.
At magtatapos ang kwento na ako’y isang talunan.
Dahil kahit pa ikutin ang buong mundo katatakbo palayo sa’yo
Hindi pa rin matakasan ang katotohanang ikaw ang simula, gitna at dulo.








About the Author

Keavy
Keavy

I hate small talk.
TwitterTumblr

Ako ang iyong tahanan.



Hayaan mong ako ang maging iyong tahanan

Laging bukas ang pintuan

Mananatili lamang ako sa aking kinalalagyan

Habang ikaw ay laging lumilisan

Ang hinihiling ko lang naman, mahal

Sa dulo ng nakakapagod na araw

Piliin mong ako ang iyong uwian














About the Author

Jihad
Jihad

Hello po, Jihad po.
Twitter


I long for the day





I long for the day

When I'd finally be able to enjoy

the bitterness behind your brew

Just like how I'd then be able to understand

Everything about you





















About the Author

Jihad
Jihad

Hello po, Jihad po.
Twitter



Marahil mailap lang talaga ang pagkakataon,





Marahil mailap lang talaga ang pagkakataon,

O tila tutol talaga ang sang-kalawakan

Madalang ang pagkakataon upang magkatagpo tayo

Hindi ko naman masisi talaga ang kung sino o ano mang bagay

Minsan kong tinanong ang langit kung bakit

Ang gusto ko lang naman ay makita ka kahit saglit

Ngunit wala akong natanggap na kahit anong sagot o tugon

Wala sa akin ang ilang minuto, oras, o araw

Basta ba alam kong ang inaantabayanan ay ikaw,

masaya at panatag akong maghihintay

Pero kung hindi lang rin ikaw, mahal,

huwag na lang


About the Author

Jihad
Jihad

Hello po. Jihad po.
Twitter

The Interview



There are many things I've been meaning to ask you.
Don't worry, this won't take long.

So, how's life in prison?
How long has it been? Seven? Eight years?
You can't remember?
That's funny because I still do.

That night of shattered childhood memories.

I'm curious.
What did I taste like that night?
How did I sound like to you? Screaming. Begging.
As you hit me with your fists, how did my skin feel like?
How did you see me that night?

Did my cries turn you on?
As you ripped off my clothes, my dignity,
my virginity, my childhood?

Did it make you a better man as you
beat down a helpless 14-year old?

Did it make you a better man
as you push me against the wall
and smother me with kisses.

I can still remember how your lips
pricked my soul.
The soul of a 14-year old,
slowly fading.

Did it make you a better man
as you push my face to the floor -
your hand pulling my hair
as if mocking me to ask
help from the heavens?

I can still feel all the
tension on my neck.
My voice, strangled.
My tears, comforting my cheeks
as your other hand tortured my chest.

At that moment, I wondered,
did you feel my heartbeat?
Did you feel its beat of
trauma and indefinite agony?

Did you feel how my body
became weak from the
countless beating?

Whenever I relive those moments,
I can still feel your every blow on my gut.

On my face, over and over and over,
again and again and again.

On my heart, over and over and over,
again and again and again.

On my soul, over and over and over,
again and again and again.

I can still hear its sound, over and over and over,
again and again and again.

Pounding every last bit of me.
Breaking me into broken little pieces.
My mind, restless.
Thinking
Praying.
Begging for the moment to stop.

It didn't.


You then dragged me like a rag doll
into the darkness of the alley.
Barenaked, I asked pity from the moon.
To shed some light.

It didn't.

Blood was dripping everywhere.
My vision, a blur.
Numbness occurred.
This was the moment when I begged for time to stop.
Eyes closed.
My heartbeat, in tune with the sound
of seconds passing by.
And in the darkness of my thoughts, I waited for answers
to whisper sweet words.

They didn't.

Instead, you whispered,
"No one's here"

I tried to fight, but I was nothing
as your boots kissed my cheeks,
my back, my ribs, my fragile teenage body -
flipping me to the other side.

I wish it did.
It didn't.

I can still feel your weight on my body.
Your sweat.
The scent of alcohol and nicotine
of lust and drugs,
rubbing themselves onto me.
I really did hope that
time would stop
and save me.

It didn't.
You flipped me over,
spread my legs
and took my
innocent body from behind.

Your thrusts burned inside of me.
And at that moment
I really thought they had burned
every last hope I had left.

They didn't.
You didn't.

There are many things I've been meaning to ask you.
And there are two more things I've got to say to you.

I'm here and I,

I survived. 


About the Author

MJL
Zuela

Weird obsession for balloons and with life being in slow motion
Twitter

Babala



Kung sasaktan mo ko,
Dahan-dahanin mo.
Yung tipong kung gagapusin mo,
Siguraduhin mong magpupumiglas ako.
Kung sasaktan mo ko,
Dahan-dahanin mo.
Yung tipong kung susugatan mo,
Siguraduhin mong lalaliman mo.
Kung sasaktan mo ko,
Dahan-dahanin mo.
Yung tipong kung sasaksakin mo,
Siguraduhin mong ibabaon mo ng todo.
Kung sasaktan mo ko,
Dahan-dahanin mo.
Yung tipong kung hahawakan mo ko sa leeg,
Ikatatakas ng hangin sa katawan ko.
Kung sasaktan ko ko,
Siguraduhin mong kaya mo.
Dahil sa sandaling kaya mo na kong saktan,
Dahan-dahanin mo nang sanaying
Walang kagapos ang ‘yong mga kamay.
Sa sandaling kaya mo na kong saktan,
Sanayin ang tingin sa mga gawa mong sugat.
Sa sandaling kaya mo na kong saktan
Sanaying pakinggan ang mga hiyaw na di humihina.
Sa sandaling kaya mo na kong saktan,
Siguradong mawawala ako,
Dahan-dahan.


About the Author

Arrigaga
Arriane

Bringing you the latest in third world transportation.
Twitter | Tumblr

Patawad




Patawad. Hindi ko pa maiwasan ...
Na tuwing ako'y natutulala, nasa tabi na kita bigla.
Na kapag ang paligid ay nalulunod sa tawanan, naririnig kita.
Na kapag may gusto akong ikuwento sa kanila, agad-agad kitang naaalala.
Sa pagtugtog ng bawat kanta, nasa isa tayong masayang pelikula.
Na sa aking mga dasal ay palagi kang kasama.
Na tuwing umuuwi mag-isa, sa mga oras na iyon, napapaisip...
Nasaan ka kaya?

Patawad. Hindi ko sinasadiya.
Bitbit bitbit ko palagi ang ating mga ala-ala
Paano ko sila buburahin isa-isa,
kung umpisa palang ikaw agad ang dahilan?
Palaging ikaw ang dulo.
Ikaw din ang simula.

Patawad.
Wala pa akong sapat na lakas para lubusang talikuran ka...
dahil natatakot pa akong harapin ang mga ala-ala nang mag-isa.

Patawad.
Hindi ko pa kaya.
Hindi ko pa kayang patawarin ka.
At ang masaklap, hindi ko pa kayang patawarin ang sarili ko.

Patawad.
Bukas, paghihirapan ko nang gumawa ng mga ala-alang hindi ka kasama.

        

About the Author

MJL
Zuela

Weird obsession for balloons and with life being in slow motion
Twitter