Patawad. Hindi ko pa maiwasan ...
Na tuwing ako'y natutulala, nasa tabi na kita bigla.
Na kapag ang paligid ay nalulunod sa tawanan, naririnig kita.
Na kapag may gusto akong ikuwento sa kanila, agad-agad kitang naaalala.
Sa pagtugtog ng bawat kanta, nasa isa tayong masayang pelikula.
Na sa aking mga dasal ay palagi kang kasama.
Na tuwing umuuwi mag-isa, sa mga oras na iyon, napapaisip...
Nasaan ka kaya?
Patawad. Hindi ko sinasadiya.
Bitbit bitbit ko palagi ang ating mga ala-ala
Paano ko sila buburahin isa-isa,
kung umpisa palang ikaw agad ang dahilan?
Palaging ikaw ang dulo.
Ikaw din ang simula.
Patawad.
Wala pa akong sapat na lakas para lubusang talikuran ka...
dahil natatakot pa akong harapin ang mga ala-ala nang mag-isa.
Patawad.
Hindi ko pa kaya.
Hindi ko pa kayang patawarin ka.
At ang masaklap, hindi ko pa kayang patawarin ang sarili ko.
Patawad.
Bukas, paghihirapan ko nang gumawa ng mga ala-alang hindi ka kasama.
About the Author
![]() | Zuela Weird obsession for balloons and with life being in slow motion |


No comments:
Post a Comment