Kung Tatanungin Mo Lang Naman Ako





Kung tatanungin mo ko kung naiisip kita,
Sasabihin kong oo, para sayo nga 'to, tanga.

Kung tatanungin mo ko kung gusto kita,
Sasabihin kong oo, tapos mamumula.

Kung tatanungin mo ko kung nagkaintindihan tayo,
Sasabihin kong oo,ewan ko lang sayo.

Kung tatanungin mo ko kung makakapaghintay ako.
Sasabihin kong oo.

Kung tatanungin mo lang naman ako,
Hindi ko lang basta sasabihin sayo.



About the Author

Arrigaga
Arriane

Bringing you the latest in third world transportation.
Twitter | Tumblr

No comments:

Post a Comment