Gawin mo na ang lahat sa akin,
wag lang ang iwan ako.
Ipagdamot mo na ang lahat ng bagay,
Huwag lang ang sarili mo.
Kunin mo na ang lahat ng bagay,
Maliban nalang sa pagtingin mo.
Ang buong pagsamba ko ay nasa iyo,
Mga paniniwala ko ay baliwalain.
Saktan mo ako at parusahan,
Basta para sa ikasasaya mo.
Ipagkaila mo na sa akin ang kakayahang makakita ng iba,
Dahil kahit saan ako lumingon ikaw lang ang hahanapin.
Ipagkait mo man sa akin ang karapatang makinig sa iba,
Wala na akong ibang gustong marinig pa kundi ang boses mo.
Ipagdamot mo sa akin ang kakayahang magisip pa,
Lahat ibibigay ko sayo nang walang pagdududa.
Durugin at yurakin ang aking pagkatao,
Dungisan ang aking lahat,
Kaya kong gawin ang kahit ano pang bagay,
Basta lang maging sapat.
At kung maisipan mong tumingin sa iba at ako’y baliwalain,
Wag kang mangangamba
Habang buhay kitang iintayin. Gawin mo na ang lahat sa akin,

Habang buhay kitang iintayin.
Jihad

No comments:
Post a Comment