CR Muna Ako





CR muna ako.
Saka tumayo sa kinahihigaan.
O gumapang.
Hindi ko matandaan.

Umupo sa inidoro.

Saka napatitig sa pinto.
O sa sahig.
Hindi ko matandaan.

Katahimikan.

Masarap naman.
Masarap nga ba?
Hindi ko matandaan.

Sumilip mula sa pinto.

Mahal ko naman.
Minahal nga ba?
Gusto kong matandaan.

Tinignan ang sarili sa salamin.

Pumayag naman ako.
Pumayag nga ba?
Hindi ko na matandaan.

Bumalik sa higaan.

Totoo ba 'to?
Totoo nga ata.
Sana di ko na matandaan.

Pumikit.
Nagising.
Lahat bumalik, pati ang mga tinandaang dapat kalimutan.



About the Author

Arrigaga
Arriane

Bringing you the latest in third world transportation.
Twitter | Tumblr


No comments:

Post a Comment