Maraming taon na sa atin ay lumipas
Lungkot, galit, saya ang ating mga dinanas
Habang tumatagal ako’y naguguluhan
Meron pa rin nga ba akong dahilan?
Nung umpisa marahil ay sa iyong mga ngiti
Nagbibigay ng saya na walang kapalit na hinihingi
Pero ngayon alam kong hindi sa mga ngiti mo
Marahil sa mga mata mo nabighani ang puso ko
Mga matang lumiliit tuwing nagtatawanan
Noon ay madalas ko itong pagmasdan
Ngayon, alam ko na hindi na ang iyong mga mata
Wala nang dahilan o kabaliwan lang ata
Wala nang pintig ng damdamin na sinasabi ng ilan
O sparks at fireworks na madalas pagusapan
Wala ng kwenta ang tadhana
Pati “kilig to the bones” laos na
Ganito lang siguro ang tunay na pagmamahal
Nawalalan ng dahilan habang tumatagal
Nagiging mababaw ang lahat ng kalaliman
Kahit ang “Mahal kita” wala na atang dahilan
Hindi na kaya ipaliwanag ng “mahal kita”
Ang tunay kong nadarama
Marahil ay wala pang salitang naiimbento
Para sabihin ang gusto ko
Pero hindi naman mahalaga ang salitang gagamitin ko
Ang importante ay ikaw, ako at tayo
At kahit para sa akin ay wala ng dahilan at kababawan lang
Ito lang ang alam kong salita
Sana ay kiligin “to the bones “ ka with matching sparks and fireworks
Mahal kita.
About the Author
![]() | Marlon J. Locsin |
| Blog |


No comments:
Post a Comment