Wag mo sanang isiping
Ayaw kong ipa-alam
Gusto lang siguruhing
Maganda at madamdam
Oo, sadyang maarte
Nais kong ipahayag
Ang tulang importante
Luma, baduy, patawa
Ang mga linya kong suma-sablay
Nagmukhang lasing o simpleng tambay
Ginulo mo ang buhay ko ngunit
Inayos ang nasira kong damdamin
Nadadagdagan ako ng pasakit
Tuwing wala sa paningin
Inilalapit mo ako sa kapahamakan
Ngunit ako’y sinamahan sa paglalakbay
Dinurog mo, iba kong pinaniniwalaan
Ibinuo ang kamalayan ng aking buhay
Hindi mo siguro malalaman ang mga sinabi ko
Ini-ibig kita yun lang ang totoo.
Naniintindihan mo ba kung hindi wag mo na lang intindihin.
About the Author
![]() | Marlon J. Locsin |
| Blog |


No comments:
Post a Comment