“Alas onse y medya na” ang sabi ni Marlon sa kanyang sarili. Pinunas nya ang hawak na kumot sa kanyang matang puno ng buhangin ng pagkadilat. “Bakit ang asim ng amoy” ang tanong sa sarili, namuo na parang Pilipinas ang chichirya at maliliit na laman ng baboy, sa kumot niyang masangsang. Umupo sa kama at pinulot and bote na kagabi ay karamay sa problema, ngunit sakit sa ulo kina-umaga. “Light” ang kanyang bulong habang pinagmamasdan ang bote “sana nga matagpuan ko na ang liwanag”. Tumayo, pumasok sa banyo at naligo. Alin ba ang dapat unahin shampoo or conditioner? Kinuha ang conditioner “use after your favorite shampoo”. Nahuhuli kaya ang epekto ng conditioner sa 2 in one na shampoo & conditioner?
Kinanaw ni Marlon ang itim na kape habang tinitignan ang kanyang malabong imahe sa ibabaw nito. “Ding dong ding dong” tumunog ang door bell, lumabas si Marlon at binuksan ang gate “Bakit?” ang tanong nito, kaibigan ang nasa may gate. “Masama ba dumalaw?” ang sagot nito sabay pasok ng kaibigan, upo sa sala at inom ng kape; na kanina ay tinitimpla ni Marlon. Umupo na rin si Marlon sa sala at binuksan ang tv. “Gusto mo ng kape?” ang alok ni Jerson kay Marlon. “Hindi” ang sagot ni Marlon habang naglilipat ng palabas. “Anong problema?” ang tanong ni Jerson. “Wala alam mo na yun impossible talaga” ang sagot ni Marlon “Siya na naman? Tagal na nyan ha?” ang pagtataka ni Jerson. “LAHAT iniiwan AKO!!! wala na talagang magmamahal sa akin, kasi pangit ako.” “MERON AKO!!!” ang pagalit na sagot ni Jerson. Tinignan sya ni Marlon at nagulat. “Ahh… Ako KARAMAY mo ako kahit anong mangyari pare” ang biglang hirit ni Jerson. “Ahhh… okay salamat pare kaibigan talaga kita” ang sagot ni Marlon at si Jerson naman ay pinaghiwalay ang mga braso at aktong yayakapin si Marlon “Pare apir!” and sabi ni Marlon at tinapik ang dalawang palad ni Jerson. Napangiti na lamang si Jerson at sinabing “Kasi maghanap ka na ng iba, marami pa naman diyan eh sa paligid mo” with matching beautiful eyes. “Napuwing ka noh” at nabaling ang attensyon sa TV ng ilang segundo “sana kasing dali lang ng pagtoothbrush ng Close-up ang paghahanap ng true love” ang sabi Marlon sabay tayo, at labas ng bahay.
“Oh san ka pupunta?” ang sabi ni Jerson at sinundan si Marlon. “Ano ba talaga problema mo pare?” ang tanong ni Jerson. “Bakit nga ba ang lupit ng buhay noh… at ginawa akong ganito…?” ang sabi no Marlon “Anong ganito?” ang sagot ni Jerson. “Pangit nga! Napakalayo ko sa mga tinutukoy ng ating mundo na gwapo, mukha na raw akong tatay eh.” Patuloy si marlon na naglalakad at napahinto sa billboard ng lalaking nakahubo at may hawak na kape “Tignan mo pare yan ang gwapo sa tingin ng karamihan ng babae ngayon, yung mga sobrang linis at vain parang 10 tayms a day maligo, minsan naka-palong ng manok ang buhok, laging naka-pink at fitting lahat ng damit. at nag-aral pa ata sa parisng Fashion 101 dahil alam nila ang tamang porma kuno. Parang ikaw, kaya ang daming nababaliw sayo, lima na ex mo di ba? Sorry naman pare, tinuruan kasi ako ng nanay ko na magconserve ng tubig kaya once a day lang ako maligo at color blind ako ano bang paki ko sa pink di ba” ang paliwanag ni Marlon. “Lima na nga ex ko pero hindi ko sila mahal, ikaw ang mahal ko…” ang pabulong na sinabi ni Jerson. “Ha ano may sinasabi ka?” ang tanong ni Marlon at umiling lamang si Jerson. “Look at them pare” habang nakakita ng isang lalake na nakapink at naka taas ang buhok. “its like they are almost gay but never quite gay yet, no offense pare, pero puta nakakainis ano bang gwapo sa mga itsurang ganyan?” at patuloy silang naglakad.
“Nakita mo na ni isang trait na meron ako ay hindi na kinikilalang gwapo ngayon I think I live in the wrong planet. And what is it with basketball players tumangkad ka lang at humawak ng bola kahit mukha kang pang-halloween ay pagkakagulohan ka… bakit hindi nakakagwapo ang paglaro sepak takraw eh national sport natin yun.”. Hihinto at magbubuntong hiniga “Ang lalong nakakainis ay ang pagyayabang ng mga lintik na alphamale na mga yan, yung utak naman nila parang sinabawan without the gulay at susukatin nila ang pagkatao mo sa katangkaran at kagwapuhan. Well, kung ganon lang ang basehan nang pagiging tao eh yung national hero pala natin hindi pa qualified maging tao! Mag-isip nga sila, ay hindi pala nila kayang gawin yun! Magtiki-tiki muna sila para kahit konti ay tumalino”.
Biglang napalingon si Marlon sa mga grupo ng teenagers naglalaro ng skateboard. “At isa pa iyan sa mundane sa mga tingin ng society ngayon. Gwapo ka pag meron kang banda or pagmarunong kang magitara or drums at yung iba, pati gitara nila ginagawang bling bling aba kasili pa sa daily apparel. Isa din ang pagsusuot ng mga maduduming damit na parang tatlong araw ka na walang ligo, kadiri talaga parang gusto ko silang lahat bigyan ng shampoo at sabihing wag kang magcoat asa pilipinas tayo ungas! Sabi kasi ng nanay ko cleanliness is next to Godliness at hindi perfume ang Jabar. AT PLEASE naman EMO ka na! Tama na isang beses mo lang ayusin yung buhok mo kahit saan makatingin na may reflection ay mananalamin para ayusin ang buhok ni pisong makintab di pinapatawad. Anak ng jueteng gwapo ba ang hitsurang ganun?”
Umabot na silang dalawa sa isang stop light. “Tapos maraming babae and nagrereklamo na iniiwanan, niloloko, ginagago, pinapa-asa eh SILA NAMAN KASI ANG SIRA bakit kasi nila nagugustohan ang mga lalaking walang ginawa sa buhay kung hindi pormahan ang lahat, kahit poste na napaldahan mo eh papapansinin nyan at mas gusto nila na maglaro ng basketball or DOTA kaysa kasama ang ka, lalo na yung mga feeling nila sobrang gwapo nila at papaibigin ang lahat. At mas gusto ng babae ang lalakeng bobo kaysa matalino ewan ko ba kung bakit. Turn-on ba ang kabobohan? anak ng… talaga…!!!”
Sabay tawid ni Marlon sa kabila kahit di pa red light. “Wait pare” ang sabi ni Jerson “O bakit di ka tumawid? Ha! Pinapatunayan mo lang na gwapo ka kasi sabi ni Bayani Fernando kung sumusunod ka sa batas trapiko Metro Gwapo ka. Oo na hindi na ako gwapo, okay! mamatay na lahat ng gwapo!!!” Ang sabi ni Marlon “Hindi naman talaga ako gwapo eh tignan mo tatawid ako!” ang sabi ni Jerson “BOOOM!!!” tinamaan si Jerson ng SUV at lumipad 3 meters away naging kulay pula ang damit niyang kulay rosas at nabasag ang kanyang salaming walang grado. Nilapitan sya ni Marlon. “Pare okay ka lang?” ang tanong ni Marlon “Sira!!! mukha ba akong OK!!! Aray ang buto ko Pare bago ako mamatay gusto ko malaman mo na… mahaaa...” sabay hinimatay si Jerson. “Pare akin na lang auto mo pag namatay ka ha…”
About the Author
![]() | Marlon J. Locsin |
| Blog |


No comments:
Post a Comment