Sa kinahihigaan: nakikita ang kisameng puti, o puting nangingitim, alinman. Saan nga ba nahulog at dito bumagsak? Para bang naitulak at wala man lang nakapitan. O kumapit.
Sa malayo: may naririnig na nagtatawanan, o nag-iiyakan,
alinman. Sino nga ba ang hinahabol at dito naiwan? Para bang naligaw at wala
man lang ilaw. O nag-ilaw.
Sa mga mata: may dumadaloy na luha, o dugo, alinman. Anong
sugat ba ang kinalikot at parang nabubulok nang hindi man lang nahugasan. Para
bang pagkatapos ng dura ay hinamon pa ng tadyak. O dasal.
Sa gilid: ang aparador. Sa kabila naman ay ang bintana. Sa
kaliwa o kanan, alinman. Umiikot ang mga gilid kaya't hindi mawari kung saan
ang labasan. Kung mayroon man.
Sa tuwa, napaso. Sa takot, nanghihinabang. Bumaluktot na't
umunat, hindi parin makahinga. O malunod, alinman.
Sabihin mo sa akin kung ano ang gagawin at agad akong
gagapang. Basta't kailangan mong sabihin.
Anonymous
No comments:
Post a Comment